Back to Vegetable and Fruit Farming
PAANO GINAGAWA ANG BIO INTENSIVE GARDENING?
PAANO GINAGAWA ANG BIO INTENSIVE GARDENING?
Sa malawak na mundo ng agrikultura, importante sa mga magsasaka na madeskarte at maparaan pagdating sa pagtatanim upang mas masagana ang ani pagdating panahon ng anihan. Isa sa mga paraang tinutukoy ko ay ang Bio intensive gardening. Ano ba ang bio intensive gardening? Ano ba ang pangunahing layunin nito?
ANO ANG BIO INTENSIVE GARDENING?
Ang bio intensive gardening ay isang pamamaraan ng biolohikal na pagtatanim kung saan ang maliit na sukat ng lupa ay natataniman ng maraming uri ng halaman subalit napapanatiling mataba at mayaman sa mga sustansya ang lupa. Ang bio intensive gardening ay paraan o teknik ng pagtatanim na naka pokus sa pagsasaayos ng lupang pagtataniman. Karaniwan sa mga magsasaka gumagamit ng paraang ito ay hinuhukay nila ang lupa na mas doble ang lalim kumpara sa ordinaryong lalim ng hukay ng lupa na hindi gumagamit ng bio intesive gardening. Layunin ng mas malalim na hukay ay ang mas makakuha ang ugat ng halaman ng mas maraming sustansya mula sa lupa. At ang balik nito siyempre ay mas masaganang ani.
PAANO GINAGAWA ANG BIO INTENSIVE GARDENING?
Kagaya nga ng nabanggit ko tungkol sa bio intensive, ito ay nakapokus sa pagsasaayos ng plot o lupang pagtataniman. Karaniwan din na linalagyan ang lupa ng organikong pataba upang mas malusog ito at mag bunga ng benepisyo sa pananim. Ang mga tuyong dahon at tangkay nito, mga tirang pagkain sa kusina, at iba pang basura ay mainam na gawing organikong pataba sa lupa.
MGA HALIMBAWA NG BIO INTENSIVE GARDENING
Karaniwan sa natural na pagtatanim ay magtatanim ka ng isang hanay ng lettuce sa isang plot ng lupa at isang hanay naman ng peppers sa panibagong plot ng lupa. Pero gamit ang bio intensive gardening, ay maaari mong itanim sa iisang plot na magkakatabi ang lettuce at peppers ng hindi ito magaagawan sa nutrients. Ito ay dahil sa mayaman sa sustansya ang lupa dahil sa organikong patabang inilagay dito at dahil rin sa malalim ang hukay ng lupang pinagtaniman.
PARAAN NG PAGGAWA NG BIO INTENSIVE GARDENING
PAGHAHANDA NG KAMANG TANIMAN PARA SA BIO INTENSIVE GARDENING
-
Sukatin ang kamang taniman ng 6 na metro ang haba at 1.5 metro ang lapad. Buhaghagin ang lupa hanggang 30 sentimetrong lalim.
-
Dagdagan ng lupa ang kamang taniman hanggang tumaas ito.
-
Ilagay sa kamang taniman ang mga patabang tulad ng compost, tuyong dumi ng hayop, dahon ng kakawati, atbp.
-
Haluing mabuti ang pataba at ang lupa.
-
Pantayin ang kamang taniman. Handan a ito para taniman.
0 Likes0 Replies-