Usapang Pre-selling vs Ready For Occupancy!
🏡Usapang PRE-SELLING vs. RFO muna tayo!🏡
Ano nga ba ang PRE-SELLING units? - ito 'yong stage/phase na nagbebenta si developer ng unit kahit di pa nakatayo 'yong mga unit/bahay sa site. Kadalasan ng ganito 2-3 years bago ma turn-over!
Ano naman ba yung RFO units? - ito 'yong stage/phase na binibenta ni developer yung unit na nakatayo na (100% Constructed). Kadalasan nito 6-8 months lang ma turn-over na or malilipatan na!
🤔🤔🤔Teka lang parang di hamak na mas MAGANDA at CONVENIENT yung RFO, KASI PWEDE LIPATAN AGAD! Tama ba?
😎😎😎A BIG YES and A BIG NO!!! Actually parehas silang may PROS and CONS!
🏡🏡🏡 PRE-SELLING!!!🏡🏡🏡
🚨PROS / ADVANTAGES
-
AFFORDABLE, kasi introductory price , LOWEST price ang offer ni Developer.
-
FLEXIBLE, stretched or mahaba ang Downpayment / Equity Terms, di masakit sa bulsa! Kadalasan 18-24 months ang terms.
-
MORE UNITS TO CHOOSE FROM, mas makakapili ka ng magandang unit, kung gusto mo malapit sa gate , amenities etc..
🚨CONS / DISADVANTAGES
-
2-3 years ang turn-over, di pwede sa mainipin at nagmamadali makalipat!
-
May Developer na minsan may konting delay ang turn-over (case to case basis).
-
Sa tripping, kadalasan wala kang tangible unit na makikita or di mo makikita yung actual na unit.
🏡🏡🏡 READY FOR OCCUPANCY!!!🏡🏡🏡
🚨PROS / ADVANTAGES
-
FAST TURN-OVER, kaya pwede sa mainipin at nagmamadali, mabilis lang makalipat madalas 6-8 months lang lipat na agad or earlier.
-
Sure na di ma delay ang turn-over, kadalasan ng RFO, 80-100% constructed na ang unit.
🚨CONS/DISADVANTAGES
-
EXPENSIVE, malaki ang pagkakaiba ng presyo, parang langit at lupa 😀 (please smile, mejo mahaba-haba yong post)
-
FIXED DP TERMS, 3-9 months ang DP Terms nya minsan nga may SPOT DP pa.
-
Pwedeng napagpilian na yung mga available na units, never expect na dun ka sa malapit sa amenities/ gate makakakuha (case to case).
📌FINAL VERDICT: ANO NGA BA ANG DAPAT PILIIN? ITO ANG SAGOT! 😀 Kung nagmamadali ka makalipat at may budget naman bakit ka pa mag-aantay ng matagal di ba? RFO ka na!! Pero kung mejo sakto lang ang budget at willing to wait naman sa PRE-SELLING ka na, ang mahalaga magkakaroon ka na ng SARILING BAHAY!!!
Follow Real Estate Finders for more!
Let's turn your real estate dreams into REALity!
Allan Magsino Hinggoy
Accredited Real Estate Agent l MFG Realty
09771243016
img-20240728-140808.png1 Like0 Replies-