Manigo Agri-Business Park Balungao, Pangasinan
Join Group

Back to Vegetable and Fruit Farming

  • PAGTATANIM NG SILING HABA AT SILING LABUYO
    Lubar de los Reyes
    in Vegetable and Fruit Farming
    Posted Jul 1, 2021

    PAGTATANIM NG SILING HABA AT SILING LABUYO

    Mahilig ka ba sa maanghang na pagkain? Gusto mo bang matuto kung paano magtanim ng sili? Ang artikulong ito ay magbibigay saiyo ng wastong impormasyon tungkol sa pagtatanim ng sili, siling haba, at siling labuyo.

    IBA’T IBANG URI NG SILI

    Wastong paraan ng pagtatanim ng sili? Bago natin ito talakayin, mahalagang malaman mo muna kung ano ang sili, iba’t ibang uri nito, at kung ano ang dalang benepisyo ng sili sa katawan ng tao. Kung talagang mahilig ka sa sili ay kailangan malaman mo ito.

    Ang sili ay isang uri ng halamang may maanghang na mga bunga. Ito ay karaniwang halaman na makikita sa Pilipinas at kahit saang lugar ay maaaring tumubo. Mayroon itong mala-kahoy na katawan at sanga, ang dahon nito ay maliliit lamang na bilugan sa ibaba na patalim sa dulo. Ang bunga nito ay pahaba na matulis ang dulo, berde ang kulay nito kapag hilaw pa at pula naman kapag hinog na.

    Maraming uri ng sili dito sa Pilipinas. Tinatawag na siling haba ang mga mahaba at mapulang uri ng sili. Ang iba pang uri nito ay ang siling bilog, siling pula, siling pasiti, at ang sikat na sikat na siling labuyo. Mayaman ang bunga ng sili sa mineral na calcium, phosphorus, iron, at gayundin sa vitamin A at B.

    PAGTATANIM NG SILI: MGA PARAAN NG PAGTATANIM NG SILI

    Ang Pilipinas ay kilala sa mga maaanghang na mga pagkain, lalo na sa rehiyon ng bikol kung saan matatagpuan ang siling labuyo at ang tinaguriang sili king ng Pilipinas. Dahil sa pagkahilig ng mga pinoy sa sili, naging kaugalian na nila ang pagtatanim ng sili kahit sa bakuran ng kanilang bahay. Hindi katulad ng ibang pananim, ang sili ay hindi maselan at hindi mahirap buhayin. Sa katunayan, ang buto ng sili na nalaglag lamang sa lupa ay maaaring mabuhay kahit hindi ito alagaan. Pero paano ba ang wastong pagtatanim nito? Alamin natin.

    PAANO MAGTANIM NG SILI: SILING HABA AT SILING LABUYO

    Mayroong tatlong importanteng hakbang sa pagtatanim ng sili. Pagaralan at sundin lamang ng mabuti ang tatlong paraan na nasa ibaba:

    Seedling Production o pagpupunla ng sili. Maghanda ng seedling tray na pagtatamnan ng mga buto ng sili. Ang pagamit ng seedling tray para sa pagpapatubo ng mga binhi ay maganda dahil sa maliliit lamang ang mga ugat ng nito. Tandaan lamang na bawat isang hukay ay isang buto. Gumamit rin ng organikong pataba para sa lupang gagamitin sa seedling tray, mahalaga ang maging malusog ang sili sa unang pag bulusok ng pagtubo nito.

    Land Preparation o paghahanda ng lupa na pagtataniman ng sili. Araruhin at suyurin ang lupang pagtatamnan. Alisin ang mga damong nakatubo at linisin ang paligid ng lupa. Gumawa ng plot na pagtatamnan, para sa malawak na lupa ay gumawa ng dalawang hanay na plot, at sa maliit na lupa naman ay isang hanay na plot. Bigyan ang lupa ng organikong pampataba at siguraduhing mamasamasa ito para mas kumapit ang ugat ng mga siling ililipat.

    Transplanting o paglilipat tanim ng sili. Pakalipas ng 18 hanggang 21 days, maaari ng ilipat ang mga siling nasa seedling tray sa inihandang lupa. Maglagay ng sapat na distansya bawat tanim para maiwasan ang pagagawan nito ng sustansya galing sa lupa. Diligan kaagad ang mga bagong lipat na sili pagkatapos maitanim.

    https://pagsasaka.info/pagtatanim-ng-sili/

    0 Likes
    0 Replies
      Join Group

      Recent Related Properties

      Active
      Boosted
      ₱ 3.60 million14 years to pay
      Urdaneta, Pangasinan
      For Sale Single Detached House 3 Bedrooms 1 Bathroom 60 sqm.
      Updated 42 minutes ago
      Active
      Partner
      ₱ 717 million₱ 300/sqm
      Santa Barbara, Pangasinan
      For Sale Agricultural Farm 239.12 hectares
      Updated 46 minutes ago
      Active
      Boosted
      ₱ 3.00 million10 years to pay
      Urdaneta, Pangasinan
      For Sale Ready for Occupancy (RFO) Single Detached House 3 Bedrooms 1 Bathroom 56 sqm.
      Updated 49 minutes ago
      Active
      Boosted
      ₱ 280,000₱ 2,800/sqm
      Mapandan, Pangasinan
      For Sale Residential 100 sqm.
      Updated 51 minutes ago
      Active
      Partner
      ₱ 4.50 million₱ 264/sqm
      Umingan, Pangasinan
      For Sale Resale Agricultural Farm 1.7 hectares
      Updated 55 minutes ago
      Active
      Partner
      ₱ 50.0 million
      Lingayen, Pangasinan
      For Sale Others
      Updated 1 hour ago
      Active
      Partner
      ₱ 7.50 million₱ 150/sqm
      Balungao, Pangasinan
      For Sale Agricultural Farm 5 hectares
      Updated 1 hour ago
      Active
      Partner
      ₱ 12.5 million₱ 250/sqm
      Sual, Pangasinan
      For Sale Agricultural Farm 5 hectares
      Updated 1 hour ago
      Active
      Partner
      ₱ 1.80 million₱ 170/sqm
      Umingan, Pangasinan
      For Sale Agricultural Farm 1.05 hectares
      Updated 1 hour ago
      Active
      Partner
      ₱ 7.50 million
      Santa Barbara, Pangasinan
      For Sale Single Detached House 3 Bedrooms 2 Bathrooms 100 sqm.
      Updated 1 hour ago
      Active
      Partner
      ₱ 1.20 million₱ 3,000/sqm
      Bugallon, Pangasinan
      For Sale Residential 400 sqm.
      Updated 1 hour ago
      Active
      Partner
      ₱ 25.0 million₱ 1,262/sqm
      Umingan, Pangasinan
      For Sale Agro-Industrial Farm 1.98 hectares
      Updated 1 hour ago