Manigo Agri-Business Park Balungao, Pangasinan
Join Group

Back to Vegetable and Fruit Farming

  • ONION FARMING: MGA PARAAN NG PAGTATANIM NG SIBUYAS
    L. Alzona de los Reyes
    in Vegetable and Fruit Farming
    Posted Jul 1, 2021

    ONION FARMING: MGA PARAAN NG PAGTATANIM NG SIBUYAS

    Gusto mo bang umasenso sa buhay? Subukan mo ang onion farming! Ang artikulong ito ay magtuturo saiyo kung paano magtanim ng sibuyas at kung paano magsimula at umunlad sa negosyong onion farming.

    MGA BENEPISYO NG PAGTATANIM NG SIBUYAS

    Bago natin talakayin ang tungkol sa pagtatanim ng sibuyas at onion farming, mahalagang malaman mo muna ang importansya ng sibuyas sa atin bukod sa pagamit nito sa pagluluto. Ano ang sibuyas? Ano ang sustansyang taglay nito?

    Ang sibuyas ay isang uri ng halamang gulay na ginagamit sa pagluluto. Nakakasanhi ng luha ang bunga nito kapag hinihiwa kung hindi nahugasan. Bakit ba tayo naluluha kapag nagbabalat o naghihiwa ng sibuyas? Gaya ng bawang, mayaman sa sulphur compound ang sibuyas. Dahil din sa sulphur content kaya antibiotic ang sibuyas. Napatunayan na mabisa itong gamot sa goiter. Mabisa rin ito sa mga naninilaw at maging sa mga may almoranas. Mayaman rin sa Vitamin C ang sibuyas.

    Ngayong alam mo na ang benepisyo ng sibuyas saiyong katawan, dumako naman tayo sa pagtatanim nito.

    PAANO MAGTANIM NG SIBUYAS: MGA PARAAN NG PAGTATANIM NG SIBUYAS

    Kung mahilig ka sa pagtatanim at nais mong pasukin ang negosyong onion farming, kailangan pag-aralan mo ang mga sumusunod na ito:

    Soil/land preparation para sa sibuyas. Nabubuhay ang sibuyas sa kahit anong variety ng lupa: Sandy loam, clay loam, basta mayroong magandang drainage facilities at may optimum ph na 6.5 – 7.5. Araruhin at suyurin ang lupang pagtatamnan ng sibuyas, lagyan ng pataba ang lupa, mas maganda kung organikong pataba ang gagamitin. Linisin ang lupa at alisin ang mga damo sa paligid ng plot. Kailangan moist o mamasamasa ang lupa para mas malakas ang kapit ng mga ugat ng sibuyas.

    Climatic Conditions na bagay sa sibuyas. Para sa pagpapatubo ng sibuyas, mas maganda ang may temperatura mula 13-24 degree celcius, at sa pagbubunga naman ay 30-35 degree celcius. Inaasahan na mas maganda ang ani ng sibuyas kapag katamtaman lamang ang lamig ng panahon, walang masyadong ulan, at matinding init.

    Irrigation o patubig sa onion farming. Ang taniman ng sibuyas ay nangangailangan ng magandang patubig. Lagyan ng patubig ang taniman pakalipas ng tatlong araw matapos itanim ang mga ito. Pagkatapos ay ang susundan ito pakalipas ng 7-10 days depende sa kondisyon ng lupa at ng panahon. Iwasan rin ang sobrang pagbigay ng tubig para maiwasan ang pagkalunod ng mga bagong tanim na sibuyas.

    Weed control/pamatay damo. Ang damo ang isa sa pangunahing kalaban ng mga pananim, alisin ang mga damong tumutubo sa mismong taniman at maging sa paligid nito. Maaaring isagawa ang pag spray ng kemikal para sa mga damo, at puwede rin naman ang mano manong pagtanggal nito gamit ang iyong mga kamay.

    ONION FARMING: ISANG PATOK NA NEGOSYO!

    Alam mo bang malaki ang tubo na nakukuha sa pagtatanim ng sibuyas? Napatunayan na yan ng mga kababayan nating magsasaka. Dito sa Pilipinas, itinatanim ng mga magsasaka ang sibuyas bago sumapit ang Undas para maging mabuti ang ani. Dahil sa ang sibuyas ay kailangan ng mga tao sa araw-araw nilang mga lutuin at ginagamit rin sa medesina, hindi ito mahirap ibenta at malakas ang karisma nito pagdating sa merkado. Kaya ang onion farming ay isang patok na negosyo!.

    https://pagsasaka.info/pagtatanim-ng-sibuyas/

    0 Likes
    0 Replies
    Join Group

    Recent Related Properties

    Active
    Priority Assistance
    ₱ 7.52 million
    For Sale Foreclosed Single Detached House
    5 Bedrooms 4 Bathrooms 191 sqm.
    Santa Barbara Pangasinan
    Updated 40 minutes ago
    Active
    Boosted
    ₱ 2.67 million
    For Sale Ready For Occupancy Duplex House
    2 Bedrooms 1 Bathroom 50 sqm.
    Urdaneta Pangasinan
    Updated 1 hour ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 4.16 million
    For Sale Pre-Selling Residential Condo
    Studio 1 Bathroom 23 sqm.
    Urdaneta Pangasinan
    Updated 2 hours ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 3.88 million
    For Sale Foreclosed Single Attached House
    3 Bedrooms 3 Bathrooms 175 sqm.
    Alaminos Pangasinan
    Updated 3 hours ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 2.25 million
    For Sale Pre-Selling Apartment
    Studio 1 Bathroom 17 sqm.
    Urdaneta Pangasinan
    Updated 3 hours ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 4.69 million
    For Sale Pre-Selling Single Detached House
    3 Bedrooms 2 Bathrooms 116 sqm.
    Dagupan Pangasinan
    Updated 4 hours ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 2.83 million
    For Sale Foreclosed Single Attached House
    2 Bedrooms 1 Bathroom 140 sqm.
    Dagupan Pangasinan
    Updated 4 hours ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 500 million
    For Sale Ready For Occupancy Beach Property
    20 hectares
    Bolinao Pangasinan
    Updated 4 hours ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 4.19 million
    For Sale Foreclosed Single Attached House
    3 Bedrooms 2 Bathrooms 98 sqm.
    Santa Barbara Pangasinan
    Updated 5 hours ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 2.66 million
    For Sale Residential Condo
    Studio 1 Bathroom 19 sqm.
    Dagupan Pangasinan
    Updated 5 hours ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 3.40 million
    For Sale Pre-Selling Residential Condo
    Studio 1 Bathroom 23 sqm.
    Dagupan Pangasinan
    Updated 5 hours ago
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 228 million₱ 3,500/sqm
    For Resale Farm Lot
    6.5 hectares
    Manaoag Pangasinan
    Updated 5 hours ago