GABAY SA PAG-AALAGA NG BAKA
GABAY SA PAG-AALAGA NG BAKA
Nasubukan mo na ba ang pag-aalaga ng baka? Nais mo bang subukan ang negosyong bakahan o bakahan business? Kung interesado ka ngunit kulang ang kaalaman mo, kailangan basahin mo ang artikulong ito.
ANO ANO ANG IBA’T IBANG LAHI NG BAKA?
Ang baka ay isang pinaamong hayop, isang kasapi ng subfamily na Bovinae ng pamilyang Bovidae. Inaalagaan sila bílang mga alagang hayop para sa kanilang karne, gatas at mga produktong gawa sa gatas, at bilang hayop na gamit sa trabaho (paghatak ng kariton, pag-aararo at mga katulad nito). Ang baka ay kabilang sa uri ng hayop na kung tawagin ay ruminant o mang-ngangata. Ang ruminant ay isang hayop na may kapasidad na lumulon ng kanyang pagkain hanggang sa ito ay umabot ng tiyan at ang pagkaing ito ay bumabalik sa bibig para sa ikalawang beses na pagngunguya. May kakaiba itong sistema ng pagnunaw ng pagkain dahil sa tiyan nito na tinatawag na rumen.
Mayroong mahigit sampong uri ng baka na pinalalaki upang gamitin ang karne nito. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
-
Angus o mas kilala bilang Aberdeen Angus na may maitim na balat.
-
Belted Galloway o mas kilala bilang “oreo cattle” dahil sa balat nito.
-
Brahman cattle, Charolais, Dexter, Gelbvieh, Hereford, Holstein.
-
Limousin, Piedmontese, Red Angus, Scottish Highland, Shorthorn.
-
Simmental, Texas Longhorn, Watusi.
Ang ilan sa mga lahing ito ay hindi matatagpuan dito sa Pilipinas. Kung nais mong pasukin ang bakahan business, kailangan malaman mo ang tamang pag aalaga ng baka.
PAG AALAGA NG BAKA: GABAY SA PAG AALAGA NG BAKA
Upang maging matagumpay ang pag aalaga ng baka, kinakailangan mo ng gabay para dito. Kaya naman basahin mo ang mga sumusunod na impormasyon upang makatulong sa binabalak mong negosyo, ang pag aalaga ng baka.
-
Pumili ng bakang bibilhin. Ito ang mag sisilbing breeder para sa pag paparami ng baka kung kaya’t piliin ang bakang malusog at walang sakit. Para sa breeding kailangan mo ng isang babae at isang lalaking baka.
-
Kung nabili mo ang baka sa malayong lugar at kinakailangan itong ibiyahe, iwasang ma stress ang baka sa biyahe. Maghanda ng sasakyan na mayroong sapat na espasyo para sa baka. Siguradohin rin na may hangin na makakapasok sa loob ng sasakyan.
-
Maghanap ng malawak na lupa na pagpapastulan ng baka. Kailangan ay may sapat na damo na magsisilbing pagkain ng baka.
-
Bumili ng makapal at mahabang pisi o tali para sa baka na gagamitin sa pagpapastol. Kailangan ang mahabang tali upang malayang makapag ikot ikot ang baka sa kanyang pastolan.
-
Kapag gabi naman ay dapat mayroon itong maayos na kulungan, Kailangan rin na may mayroon siyang pagkain at sapat na tubig sa loob ng kanyang kulungan. Lagayan ng bitamina’t mineral ang inomin at pagkain nito.
-
Bigyan ang baka ng tamang bakuna at ugaliin ang pag sangguni sa mga beterinaryo.
BAKAHAN BUSINESS: MGA PAGKAING MAAARING IBIGAY SA BAKA
Ang baka ay hindi maselan sa pagkain kung kaya’t hindi magastos ang pagpapakain sa baka. Ngunit kapag ang alaga mong baka ay patabain, kailangan dapat alam mo ang mga pagkaing maaaring ibigay mo sa iyong baka.
-
Mga improved forage tulad ng damong napier, paragrass at guinea grass.
-
Mga high yielding forage kasama na ang sorghum, hybrid corn at tubo o sugarcane. Ibinibigay ito sa panahong ang mga pagkaing ito ay madami pang sustansya o hindi pa tuyot.
-
Ang mais naman ay mainam na anihin ng buo kasama ang kanyang bunga kapag magulang na.
-
Mga roughages o crop residues tulad ng dayami, corn, stover, mga damo at iba pa.
-
At iba pang by-products tulad ng darak, copra meal, brewer’s spent grains, dinikdik na mais, mga pinagbalatan ng langka, cassava meal at lamukot ng pinya o pineapple pulp.
0 Likes0 Replies-