Gabay Paano Magkaroon ng Sariling Bahay
Join Group

Back to General Discussion

  • Vicinity Map: Alamin kung ano ang nakapalibot sa iyo
    Lubar de los Reyes
    in General Discussion
    Posted Aug 18, 2020

    Ang Vicinity Map ay isa sa mga GABAY mo sa pagpili ng iyong bibilhing bahay. Dito mo makikita kung ano-ano ang mga bagay na dapat mong ikonsidera sa pagpili ng lilipatang lugar at titirhang bahay.

    Ilan sa mga dapat mong makita ay ang mga sumusunod:

    1. Pamilihan. Maging palengke man ito o shopping mall, nanaisin mo na malapit ang pipiliing bahay sa komersyo. Sapagkat dito mo bibilhin ang mga pangunahing mong mga pangangailangan sa buhay.

    2. Paaralan. Ang eskwelahan ay isang importanteng institusyon na dapat ay malapit lamang sa iyong titirahan. Kung ang mga anak mo ay mag-aaral o nag-aaral na, dapat ay meron malapit na paaralan sa bago ninyong lilipatan.

    3. Ospital. Mainam na may malapit na ospital o pagamutan sa iyong titirhan. Hindi man natin naisin, mabuti na din ang maingat at malapit sa pagamutan.

    4. Terminal ng Pang Publikong Sakayan. Importante ang “accessibility”. Mas mainam na may mga pampublikong sasakyan na malapit sa iyong pipiliing bahay. Hindi lahat sa isang pamilya ay may sariling sasakyan. Kaya’t dapat mong marapatin na tumira malapit sa dinadaanan ng pampublikong sasakyan.

    5. Simbahan. Pook Sambahan. Importante sa pamilya ang pagsamba. Kaya’t palagiang hanapin kung may malapit sa inyong lilipat nito.

    Marami pang mga bagay ang dapat ikonsidera sa pagpili ng lugar kung saan ka lilipat at maninirahan. ang mga nasambit ay ilan lamang na nakikita nating importante. May iba ka pa bang naiisip? Mag komento lamang sa ibaba.

    1 Like
    0 Replies
      Join Group

      Recent Group Properties:

      Active
      In Demand
      ₱ 650,000
      Clark, Porac, Pampanga
      For Sale Pre-Selling Rowhouse 2 Bedrooms 1 Bathroom 22 sqm.
      Updated Mar 22, 07:07 AM
      Active
      In Demand
      ₱ 2.50 million
      General Trias, Cavite
      For Sale Townhouse 3 Bedrooms 2 Bathrooms 54 sqm.
      Updated Mar 6, 02:49 AM