Gabay Paano Magkaroon ng Sariling Bahay
Join Group

Back to General Discussion

  • Sino sino ang pwede magkaroon ng sariling bahay?
    Lubar de los Reyes
    in General Discussion
    Posted Jul 25, 2020

    Malamang itong tanong na ito ay sumagi na din sa iyong isipan. Lahat naman tayo ay may pangarap magkaroon ng sariling bahay. Lahat tayo ay may karapatang mangarap at tuparin ang pangarap na ito. Ngunit sa kasamaang palad hindi lahat ay naisasakatuparan ito. Sino nga lang ba ang pwede magkaroon ng bahay? Ang sagot, yung may kakayahang bayaran ang pangarap na tahanan.

    Sa madaling salita, kung ikaw ay may trabaho, negosyong, pinagkakakitaan, ikaw ay may pagkakataon na makabili ng sarili mong bahay. Ang laki ng bahay na iyong pangarap na mabili ay depende din sa laki ng iyong kita.

    Ang magandang balita, ang pangarap mong bahay ay abot kamay mo. Dapat mo lang alamin kung ano ang sapat at kaya ng “income” mo na bayaran sa simula hanggang katapusan ng iyong hulog. Hulog? Opo, ang bahay ay pwedeng hulugan. Ganoo katagal? Hanggang tatlumpung taon, 30 years.

    Sino ang magpapautang sa iyo ng ganung kahabang panahon? Pag-IBIG Fund at ilang mga bangko.

    0 Likes
    0 Replies
      Join Group