Steps to Purchase Pag-IBIG Acquired Properties
STEP ONE:
Tingnan ang listahan ng mga acquired asset sa website www.pagibigfund.gov.ph o (Properties for Sale/Properties under Negotiated Sale or Public Auctions) o bumisita sa pinakamalapit na Pag-IBIG Fund Housing Hub.
STEP TWO:
Puntahan at inspeksyunin ang lokasyon ng bibilhing acquired asset.
STEP THREE:
Magparehistro at sagutan ang Purchase Offer Form, isumite at ihulog ito sa Drop Box, kalakip ang mga sumusunod:
-
Purchase Offer
-
Kopya ng valid ID’s ng offeror at ng authorize representative kung kinakailangan
-
Kung sakaling ang offeror ay hindi makakapunta sa oras ng paghuhulog ng kanyang Purchase Offer form, siya ay maaaring magtalaga ng kanyang representante na may dalang authorization letter/Special Power of Attorney (SPA). Ang authorization letter ay limitado lamang sa paghuhulog ng Purchase Offer Form.
-
Dokumento na nagpapatunay ng pinagkakakitaan kung ang napiling paraan ng pagbabayad ay Long-Term Installment (LTI).
Paraan ng pagbabayad :
Kung Cash na babayaran:
-
Diskwento: 30%
-
Magbayad ng paunang 5% ng kabuuang halaga kasabay ng pagbayad ng reservation fee.
-
Ang kabuuang halaga ay dapat na bayaran sa loob ng tatlumpong (30) araw mula sa araw ng pagpirma ng Deed of Conditional Sale.
Kung Short-Term Installment na babayaran:
-
Diskwento 20%
-
Magbayad ng paunang 5% ng kabuuang halaga kasabay ng pagbayad ng reservation fee.
-
Ang kabuuang halaga ay dapat na bayaran sa loob ng isang (1) taon na may kaakibat na interest na 6.375%.
Kung kukuha sa pamamagitan ng programang pabahay ng Pag-IBIG o Long-Term Installment (LTI ):
-
Diskwento 10%
-
Isumite ang kumpletong dokumento sa loob ng Tatlumpong (30) araw simula ng pagbayad ng reservation fee kasama ang P2,000.00 processing fee, advance 1 year insurance premiums at documentary stamp tax.
Ang pagbubukas ng mga naisumiting Purchase Offer ay base sa nakatakdang oras at araw na nakalathala sa website ng Pag-IBIG Fund. Ang mga nanalo na buyer ay mailalathala sa aming website www.pagibigfund.gov.ph at makakatanggap ng kumpirmasyon sa pamamagitan ng text message.
STEP FOUR:
Ang nanalong offeror o buyer ay magbabayad ng P1,000.00 Reservation Fee (non transferrable/non refundable) sa loob ng limang (5) araw simula sa pagtanggap ng Notice of Award.
STEP FIVE:
Pagtanggap ng Notice of Conditional Approval of Sale.
STEP SIX:
Pagtanggap ng Notice of Conditional Approval of Sale. Pirmahan at isumite ang Deed of Conditional Sale at ibang dokumento na nagpapatunay ng Loan sa Pag-IBIG Fund.
STEP SEVEN:
Simulan ang pagbabayad ng buwanang hulog pagkaraan ng tatlumpong (30) araw mula sa araw ng pagpirma ng Deed of Conditional Sale.
Source: https://www.pagibigfund.gov.ph/acquiredassets_easysteps.html
-
Thank you po.