Manigo Agri-Business Park Balungao, Pangasinan

Back to Vegetable and Fruit Farming

  • PAANO GINAGAWA ANG BIO INTENSIVE GARDENING?
    in Vegetable and Fruit Farming
    Posted Jul 1, 2021

    PAANO GINAGAWA ANG BIO INTENSIVE GARDENING?

    Sa malawak na mundo ng agrikultura, importante sa mga magsasaka na madeskarte at maparaan pagdating sa pagtatanim upang mas masagana ang ani pagdating panahon ng anihan. Isa sa mga paraang tinutukoy ko ay ang Bio intensive gardening. Ano ba ang bio intensive gardening? Ano ba ang pangunahing layunin nito?

    ANO ANG BIO INTENSIVE GARDENING?

    Ang bio intensive gardening ay isang pamamaraan ng biolohikal na pagtatanim kung saan ang maliit na sukat ng lupa ay natataniman ng maraming uri ng halaman subalit napapanatiling mataba at mayaman sa mga sustansya ang lupa. Ang bio intensive gardening ay paraan o teknik ng pagtatanim na naka pokus sa pagsasaayos ng lupang pagtataniman. Karaniwan sa mga magsasaka gumagamit ng paraang ito ay hinuhukay nila ang lupa na mas doble ang lalim kumpara sa ordinaryong lalim ng hukay ng lupa na hindi gumagamit ng bio intesive gardening. Layunin ng mas malalim na hukay ay ang mas makakuha ang ugat ng halaman ng mas maraming sustansya mula sa lupa. At ang balik nito siyempre ay mas masaganang ani.

    PAANO GINAGAWA ANG BIO INTENSIVE GARDENING?

    Kagaya nga ng nabanggit ko tungkol sa bio intensive, ito ay nakapokus sa pagsasaayos ng plot o lupang pagtataniman. Karaniwan din na linalagyan ang lupa ng organikong pataba upang mas malusog ito at mag bunga ng benepisyo sa pananim. Ang mga tuyong dahon at tangkay nito, mga tirang pagkain sa kusina, at iba pang basura ay mainam na gawing organikong pataba sa lupa.

    MGA HALIMBAWA NG BIO INTENSIVE GARDENING

    Karaniwan sa natural na pagtatanim ay magtatanim ka ng isang hanay ng lettuce sa isang plot ng lupa at isang hanay naman ng peppers sa panibagong plot ng lupa. Pero gamit ang bio intensive gardening, ay maaari mong itanim sa iisang plot na magkakatabi ang lettuce at peppers ng hindi ito magaagawan sa nutrients. Ito ay dahil sa mayaman sa sustansya ang lupa dahil sa organikong patabang inilagay dito at dahil rin sa malalim ang hukay ng lupang pinagtaniman.

    PARAAN NG PAGGAWA NG BIO INTENSIVE GARDENING

    PAGHAHANDA NG KAMANG TANIMAN PARA SA BIO INTENSIVE GARDENING

    • Sukatin ang kamang taniman ng 6 na metro ang haba at 1.5 metro ang lapad. Buhaghagin ang lupa hanggang 30 sentimetrong lalim.

    • Dagdagan ng lupa ang kamang taniman hanggang tumaas ito.

    • Ilagay sa kamang taniman ang mga patabang tulad ng compost, tuyong dumi ng hayop, dahon ng kakawati, atbp.

    • Haluing mabuti ang pataba at ang lupa.

    • Pantayin ang kamang taniman. Handan a ito para taniman.

      https://pagsasaka.info/ano-ang-bio-intensive-gardening/

    Join Group

    Recent Related Properties

    Active
    Priority Assistance
    ₱ 6.00 million
    For Sale Pre-Selling Beach Property
    8,000 sqm.
    San Fabian Pangasinan
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 3.40 million
    For Sale Ready For Occupancy Townhouse
    2 Bedrooms 2 Bathrooms 95 sqm.
    San Carlos Pangasinan
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 450,000₱ 375/sqm
    For Sale Residential Lot
    1,200 sqm.
    Balungao Pangasinan
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 2.66 million
    For Sale Residential Condo
    Studio 1 Bathroom 19 sqm.
    Dagupan Pangasinan
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 45.0 million₱ 1,754/sqm
    For Sale Agro-Industrial Farm
    2.56 hectares
    Aguilar Pangasinan
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 25.0 million
    For Sale Ready For Occupancy Commercial Property
    Rosales Pangasinan
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 5.50 million₱ 63/sqm
    For Sale Farm Lot
    8.7 hectares
    Umingan Pangasinan
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 32.5 million₱ 4,000/sqm
    For Sale Farm Lot
    8,116 sqm.
    Alaminos Pangasinan
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 235 million₱ 250/sqm
    For Sale Lot
    94 hectares
    Labrador Pangasinan
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 3.50 million
    For Sale Ready For Occupancy Single Detached House
    3 Bedrooms 2 Bathrooms 92 sqm.
    Calasiao Pangasinan
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 14.0 million₱ 152/sqm
    For Sale Residential Farm
    9.2 hectares
    Mangatarem Pangasinan
    Active
    Priority Assistance
    ₱ 4.76 million
    For Sale Pre-Selling Residential Condo
    2 Bedrooms 1 Bathroom 33 sqm.
    Dagupan Pangasinan